1
Butterflies alighted
On my tomb of grief
And I flew with them
2
The white orchid
Sat quietly on the green vase
My tears watering the blooms
3
The sun sat brightly on the window
Mayas chirped their morning greetings
I clutch my breast, I die in grief
4
Rains came pouring like these tears
Sharp edges that seared the waves
Of loneliness
5
The moon is a cloud
A drawn curtain in heavy light
I woke up, drenched in a bad dream
[Filipino version]
1
Dumapo ang mga paru-paro
Sa puntod ng aking pighati
At kasama nila akong lumipad
2
Tahimik na nakaupo sa luntiang plorera
Ang puting orkidya
Dinidilig ng aking luha ang mga bulaklak
3
Nakaupo ang sinag ng araw sa bintana
Sumisiyap ang mga maya ng pagbati sa umaga
Kipkip ko ang dibdib, sa panglaw ako’y pumanaw
4
Dumating ang ulan tulad ng mga luha
Matalas ang talim na pumaso sa mga alon
Ng kalungkutan
5
Isang ulap ang buwan
Kurtinang hinawi ng mabigat na ilaw
Nagising ako, pigta ng masamang panaginip
Aida Santos
http://www.poemhunter.com/poem/5-verses/